Latest sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy at imbestigasyon sa POGO | The Mangahas Interviews

2024-09-12 251

Kasalukuyang naka-detain si Pastor Quiboloy at ang apat na kapwa niya akusado sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos siyang sumuko nitong Linggo.

Nanindigan naman ang PNP na na-corner si Quiboloy kaya sumuko na ito matapos ang 16 araw na pagbabantay nila sa KOJC.

Nahaharap si Pastor Quiboloy sa patong-patong na reklamo kabilang ang paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na ilang beses na ring itinanggi ng kanyang kampo. Ilan pang biktima umano ni Quiboloy ang lumapit na rin sa PNP para maghain ng reklamo.

Samantala, nagsampa na ang PNP CIDG at PAOCC ng reklamong qualified trafficking laban kay Cassandra Li Ong dahil sa umano'y kaugnayan nito sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon sa legal counsel ni Ong na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi sumipot si Ong sa senate hearing nitong Lunes dahil nasa ospital pa raw ito.

Ang update sa kaso ni Pastor Quiboloy at ang latest sa imbestigasyon sa POGO, sasagutin ng abogado ng mga akusado na si Atty. Ferdinand Topacio at ng tagapagsalita ng PNP na si PCol Jean Fajardo sa buong panayam ng #TheMangahasInterviews.